Agosto 22, 2019, Daet,Camarines Norte – Nakataas ngayon ang gale warning ng  sa lalawigan ng Camarines Norte kasama ang mga kalapit na probinsiya bunsod ng tropical storm Ineng.

Sa pinakahuling weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration’s (PAGASA), napanatili nito ang taglay na lakas ng hangin na 65kph malapit sa gitna at may bugsong aabot sa 80kph.

Huli itong namataan sa layong 840 kilometro sa silangan ng Casiguran, Quezon at patuloy na gumagalaw patungo sa hilagang kanluran sa bilis na 15 kph mula sa dating 25 kph.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa sabado ng gabi (Agosto 24, 2019) o linggo ng umaga.

Inaasahang magdadala ng matinding ulan si Ineng sa buong Kabikulan gayundin sa mga probinsiya ng Aurora at Quezon.

Magdadala naman ang habagat ng mahina hanggang sa malakas na pag ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at sa buong Visayas region.

Nakataas din ang gale warning sa mga probinsiya ng Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, eastern coast of Albay, eastern coast of Sorsogon, Northern and Eastern Samar, Leyte, Quezon including Polilio Islands, Surigao del Norte, Siargao and Dinagat Islands.

Pinapayuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa karagatang sakop ng nasambit na mga lugar.

 

Camarines Norte News