Agosto 28, 2019, Daet, Camarines Norte – Isinusulong ngayon ni Congresswoman Josie Baning Tallado na mabigyan ng karampatang sweldo at benepisyo ang mga opisyal ng barangay kabilang na rin ang SK officials.

Bilang miyembro ng 18th Congress at kilalang tagapag serbisyo sa mga mamamayan ng Camarines Norte, pinagtutuunan ng pansin ng mambabatas ang suliranin na hinaharap ng ating mga opisyal ng Barangay Sangguniang Kabataan officials kaugnay ng honorarium na natatanggap ng mga ito kapalit ng serbisyong  inihahandog sa barangay.

Naniniwala ang Congresswoman na mahalaga at kritikal ang papel ng mga ito sa paghahatid ng serbisyo sa tao bilang mga frontliners-–lalo na sa kampanya natin laban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon kaya naman nais  niyang mabigyan ang mga ito ng karampatang suweldo at iba pang mga benepisyo, katulad ng mga ibinibigay sa mga regular na kawani ng pamahalaan.

Magugunitang isa si Cong. JBT sa mga kongresistang sumusuporta sa panukalang batas ni  Senator Bong Go nito na MAGNA CARTA FOR BARANGAY OFFICIALS na naglalayong maalagaan ang kapakanan ng mga Barangay at SK officials.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Roden Rosario