Agosto 30, 2019, Daet, Camarines Norte – Pinarangalan bilang 2018 Best Municipal Police Station ng PNP Regional Office V ang Daet Municipal Police Station.

Sa ginanap na pagdiriwang ng 118th Police Service Anniversary ng PNP ROV sa PRO5 Grandstand Camp Gen Simeon A. Ola, Legazpi City nitong nakatalikod na miyerkules, binigyang parangal ang Daet MPS kasama ang iba pang mga unit at indibidwal na napili bilang pinakamahusay sa pag ganap sa ibat ibang larangan na may kaugnayan sa kanilang tungkulin.

Tinanggap ni PLtCol. Dyan V. Agustin, Acting Chief of Police ng Daet MPS ang parangal bilang Best MPS para sa taong 2018.

Dumalo sa naturang pagpaparangal bilang Guest of Honor and Speaker si PBGen. Emmanuel Luis D. Licup, Acting PNP Director for Operations.

May temang “Pinaghusay na Serbisyo, Alay sa Sambayanang Pilipino”  ang pagdiriwang ngayong taon ng 118th Police Service Anniversary.

 

Camarines Norte News