Setyembre 3, 2019, Basud, Camarines NorteKulungan ang bagsak ng isang senior citizen sa bayan ng Basud na may kinakaharap na kasong rape at acts of lasciviousness.

Dakong 7:30 ng umaga kahapon, Setyembre 2, 2019 nang madakip sa Purok 4, Barangay Pinagwarasan, Basud ang suspek na si Angel Abierta y Quiñones, 78 anyos, may asawa at residente ng nasambit na lugar.

Inaresto si Abierta ng mga personel ng Basud MPS, CN-CIDT at CN 1st PMFC sa bisa warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Rolando M. Panganiban  ng Branch 40, Regional Trial Court, Daet, Camarines Norte noon pang Nobyembre 12, 2008 para sa kasong five (5) counts of Rape at Acts of Lasciviousness.

Ang nasakoteng suspek ay pang una sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons ng Basud PNP.

Nasa kustodiya na ng nasambit na himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.