Setyembre 3, 2019, Daet, Camarines Norte – Isinulong ngayon ni SB Committee Chairman on Health Councilor Ma. Eliza H. Llovit ang isang resolusyon ukol sa pagbibigay komendasyon kay Barangay Nutrition Scholar Eden A. Cordova para sa karangalang dinala nito para sa bayan ng Daet bilang 2018 National Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar.

Matapos tanggapin ang parangal sa PICC kamakailan, humaarap kahapon sa regular na sesyon ng SB Daet si BNS Cordova ng Brgy. Awitan kung saan masaya nitong ibinalita sa konseho ang kanyang naging karanasan sa pagtanggap ng parangal kasama si Mayor Benito “B2K” Ochoa, Vice Mayor Rosa Mia King, Brgy. Captain (Awitan) Meliandro Eboña, MNAO Anita Auro at iba.

Malugod din nitong ibinahagi ang naging journey bilang Barangay Nutrition Scholar, ang kanyang mga programa lalo na ang Nutri Challenge Program na isa sa mga pangunahing dahilan para makamit ang nasambit na parangal.

Pinuri naman ng SB ang ginang at nagpasalamat ang mga ito para sa ipinamalas na sipag at pagmamahal nito sa kaniyang trabaho. Isa umanong huwaran at inspirasyon ang ginang para sa paglilingkod nito at hiniling ng mga ito ang patuloy nitong dedikasyon.

 

Camarines Norte News