Setyembre 4, 2019, Naga City – Nasabat sa ikinasang buy-bust operation kagabi sa siyudad ng Naga ang tinatayang 4.3 milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu.

Dakong 7:30 kagabi nang ikasa  ng otoridad  ang  naturang operasyon sa J. Miranda a St. malapit sa Civic Center, Balatas, Naga City kung saan agad na nadakip ang dalawang suspek matapos magpositibo ang transaksiyon sa poseur buyer.

Kinilala ang mga suspek na sina Yuner Inda y Tanbua,  39 anyos, residente ng Diliman, Quezon City at Jamaica Dela Cruz, 23 anyos, residenete ng Zone 6 San Francisco, Magarao, Camarines Sur.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang transparent sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang limampung libong piso (Php50,000).

Samantala, sa patuloy na pagsisiyasat ng kapulisan, narekober din sa mga suspek ang 31 pang sachet ng hinihinalang illegal na droga na may tinatayang timbang na 700 gramo at halagang 4.3 milyong piso.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga nadakip na suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A.9165.

 

Camarines Norte News

Source: Naga City Police Office