Setyembre 5, 2019, San Vicente, Camarines Norte – Arestado ang isang 42 anyos na lalaki sa bayan ng San Vicente matapos makuha sa tahanan nito ang ilang ilegal na baril at mga bala.

Kinilala ang suspek na si Ronaldo Gomez Y Olisea, 50 anyos, residente ng Purok 4, Barangay Cabanbanan ng nasambit na lugar.

Dakong 4:45 kaninang madaling araw ng isilbi ng mga personel ng CIDG Camarines Norte, San Vicente PNP at 1st Camarines Norte Police Mobile Force Company ang search warrant sa tahanan ng nasambit na suspek.

Sa paghahalughog sa loob ng tahanan ni Gomez, nakuha ang isang (1) homemade shotgun,  limang (5) pirasong ammunition para sa 12 gauge shotgun, anim (6) na pirasong live ammunition para sa kalibre 38 at isang (1) airgun at airgun pellet.

Nabatid na matagal ng minamanman ng otoridad ang suspek dahil sa mga reklamo ng pananakot ng baril at panunutok nito sa mga residente sa naturang barangay.

Nasa kustodiya na ng San Vicente PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban ditto para sa paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

                                                      

Camarines Norte News