Setyembre 6, 2019, Daet, Camarines Norte – Dalwamput tatlong (23) Civil Society Organizations (CSOs) ang matagumpay na nakapag comply sa mga requirements para sa kanilang accreditation at kamakailan ay kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ginanap na ika-siyam (9) na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong nakatalikod na miyerkules, Setyembre 4, 2019, kinilala ang mga CSO na sumailalim at naging matagumpay sa pagsusuri ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa pangunguna ni Provincial Planning and Development Officer Elena B. Austria.

Dumalo sa pagkilala ang mga panglo at rpresentatives ng mga na accredit na CSO upag tanggapin ang sertipiko ng akreditasyon na nilagdaan nina Hon. Board Member Artemio B. Serdon, Chairman ng Committee on NGOs and Cooperative, Atty. Emilio V. Zantua, Jr.- Secretary to the SP at  Acting Vice Governor/ Presiding Officer, Hon. Joseph Christopher M. Panotes. 

 

Ang mga Civil Society Organizations (CSOs) na nabigyang akreditasyon ay ang mga sumusunod:

1.Socio-Pastoral Action Center Foundation, Inc .(SPACFI)
2.Basud Developent Cooperative(BDC)
3.Camarines Norte Government Workers Multi-Purpose Cooperative(CNGWMPC)
4.Taghoy ng Inang Kalikasan, Inc.
5. Provincial Agricultural and Fishery Council(PAFC)
6.Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC)
7.Kiwanis Club of Daet
8.Samahang Organic Fair Trade Coconut Farmers , Bicol-Quezon(SOFACOFA-BQ)
9.Camarines Norte Federation of Cooperatives (CANOFECO)
10.Autism Recovery Network of the Philippines, Inc.(ARNP)
11. Guisican Multi-Purpose Cooperative (GMPC)
12.Paracale Municipal Employees and Community Multi-Purpose Cooperative
13.Tao-Kalikasan Foundation of the Philippines, Inc.
14. Federation of Coconut Farmers and Farm Workers Association, Inc. (FECCOFFWA)
15.Boses at Ugnayan ng Lapian at Wastong Adhikain ng mga Katutubo (BULWAK)
16.Federation of Senior Citizens Association
17.Provincial Rural Improvement Club Council
18. Silyab Fishnet and Rod Organization, INc.
19. JCI Daet Bulawan Jaycees
20.Camarines Utility Vehicle Transport Service Cooperative(CUVTSC)
21. Philippine Institute of Environmental Planners – Camarines Norte Chapter
22. 4-H Club Federation of Camarines Norte
23. Camarines Norte Barangay Health Workers Federation

Sa mensahe ng isa sa mga tumanggap ng accreditation na si Mr. benny Elevado, ipinaabot nito ang pagpapasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan partikular sa ama ng lalawigan para sa suportang ipinapaabot nito katuwang ang Sangguniang Panlalawigan at iba pang ahensiya ng gobyerno sa kanilang mga adhikan. Hinikayat din nito ang mga CSO na ibigay ang ano mang tulong na maipapaabot sa pamahalaan at pagbutihin ang pagsisilbi upang maibalik ng maayos ang serbisyo at tiwalang kanila ring natatanggap.

Ang naging pagsusuri at ebalwasyon sa mga CSO ay nakabatay sa Department of the Interior and Local Government memorandum circular No. 2019-72 susog sa Rule Xlll, Article 64 of the Implementing Rules and Regulations of the Local Government Code of 1991.

 

Camarines Norte News

Photo taken from PIO Camarines Norte FB Page