Setyembre 7, 2019, Daet, Camarines Norte  – Panawagan ngayon ng PNP – Highway Patrol Group sa lalawigan ng Camarines Norte sa mga Local Government Units (LGU) ang pakikipagtulungan kaugnay sa mga motoristang patuloy na nagpapark ng mga sasakyan sa tabi ng National Road o Maharlika Highway.

Suhestiyon ni PMaj Jun Villarosa, Hepe ng HPG sa lalawigan, maaari umanong magtalaga ang mga lokal na pamahalaan ng mga enforcers na magmomonitor sa lugar upang siguruhin na wala ng motoristang lumalabag sa illegal parking.

Ayon pa sa opisyal, nakakadismaya kasi na hanggang ngayon ay marai pa rin ang matitigas ang ulo na kahit katatapos pa lamang ng clearing operation sa tabi ng Maharlika Highway ay babalik pa rin sa lugar at doon magpapark kapag walang nakikitang enforcer.

Mistula umanong nakagawian na ito ng mga Pinoy na kapag walang otoridad ay sige lang ng sige kahit labag sa batas kahit na ang ilan ay dati nang nahuli ay tila umano hindi pa rin nadadala.

 

Camarines Norte News