Setyembre 7, 2019, Labo, Camarines Norte– Nauwi sa pananaga ang inuman ng dalawang lalaki sa isang farm sa Purok 1, Brgy. Iberica, Labo, Camarines Norte kagabi.

Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, dakong 10:00 kagabi nang magkaroon umano ng mainit na pagtatalo habang nag iinuman ang biktima na si Hermias Borega y Amoranto, 57 anyos, residente ng Purok 2 Brgy. Bayabas ng parehong bayan at suspek na si Angel Aloc y Jamito, 54 anyos, residente ng Purok 5 Brgy. Bulala, Sta. Elena Camarines Norte.

Umabot pa umano sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa na agad namang naawat ng mga kasamahan nito.

Hindi nagtagal ay muli nanamang nagtalo ang dalawa.Dito na umano humugot ang suspek ng bolo at tinaga ng biktima sa kanang kamay nito.

Agad na dinala sa panlalawigang pagamutan ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Labo PNP ay nadakip din ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya nan g kapulisan para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News