Setyembre 7, 2019, Daet, Camarines Norte – Tuloy – tuloy ang pagbili ng palay ng National Food Authority (NFA) Camarines Norte sa mga magsasaka sa lalawigan sa kabila ng umiiral na Rice Tarrification Law (RTL).

Sa panayam ng mga mamamahayag kay NFA CamNorte Provincial Manager Remedios Dumawal, nilinaw nito na kahit wala pang utos ni President Rodrigo Duterte at kahit ummiral na ang rice tarrification law ay tuloy tuloy pa rin sila sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka sa lalawigan.

Nabatid na nitong nakatalikod na miyerkules, Setyembre 4, 2019 ay ipinag utos ng pangulo ang pagbili ng NFA ng palay sa mga local na magsasaka upang maibsan ang paghihirap ng mga ito dulot ng RTL.

Maguguunitang umaaray ang maraming magsasaka sa naturang batas dahil wala nang limit ang pag-aangkat ng bigas at pagbaha ng mga imported na bigas sa merkado kapalit naman ng pagbaba ng presyo ng palay sa bansa.

Gayunpaman, nakatakda umanong bumili ang NFA CamNorte ng 11,000 bags ng palay mula sa magsasaka dito siguruhin lamang na ang mga ibebentang palay ay tuyo at malinis bago dalhin sa kanilang tanggapan.

 

Camarines Norte News