Setyembre 7, 2019, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na nakapasok sa Top 10 ng katatapos lamang na Registered Electrical Engineers Board Exam ang tatlong Bicolano kabilang ang isang mula sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kinilala ang CamNorteñong ito na si Engr. John Rocel Anim Perez na produkto ng Camarines Norte State College.

Nakakuha si Perez ng grado na 91.60%, pang apat (Top 4 ) na pinakamataas na grado mula sa 4,891 na nag exam para sa Registered Electrical Engineers Board Exam na isinagawa nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan.

Kasamang nakapasok ni Perez sa Top 10 ang dalawa pang Bicolano na sina Gerald Magalona Mier na hinirang bilang Top 2 sa gradong 92.05% at Dee-Jay De Mesa Alvaro na Top 6 sa gradong 91.40%.

Samantala, nakapagtala naman ang Camarines Norte State College ng 100% Passing Rate at nakuha ang Rank 3 sa listahan ng Top Performing Schools para sa nasambit na eksaminasyon.

 

Camarines Norte News

Photo taken from passtheboardexam.com