Setyembre 10, 2019, Labo, Camarines Norte – Natanggap na ni Gob. Egay Tallado ang pondo mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na gagamitin para sa itatayong Halfway House para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa gobyerno.

Isinagawa ang turn over ng Php 5,000,000.00 halaga ng cheke kasabay ng ginanap na Executive Conference of the Convergence for Peace 2019 sa Senior Citizens Building, Labo, Camarines Norte.

Nabatid na itatayo ang nasambit ng Halfway House sa Brgy. Tulay na Lupa sa naturang bayan.

Ang pagtatayo ng halfway House ay nakapailalim sa Enhanced- Comprehensive Local Integration Program (E – CLIP), isang programa ng gobyerno kung saan binibigyan ng gobyerno ng kumpletong assistance ang mga dating rebelde na nagbabalik loob at nais magsimulang muli.

Susog ito sa Administrative Order No. 10 na may pamagat na “Centralizing all Government Efforts for the Reintegration of Former Rebels and Creating for the purpose an Inter-agency Task Force.”

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Luigi Querubin