Setyembre 10, 2019, Daet, Camarines Norte – Pormal ng pinasinayaan ngayong araw ng LGU Daet, CNPPO, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang kauna unahang Balay Silangan sa bayan ng Daet.

Ginanap ngayong umaga ang inagurasyon at pagpapasinaya ng nasambit na Reformation Center sa Kalinangan Center, Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Dumalo sa naturang aktibidad sina Mayor Benito “B2K” Ochoa, Municipal Administrator Joan Kristine T. De Luna, Dir. Christian O. Frivaldo – Regional Director, PDEA ROV/Chairman Oversight Committee, Atty. Don Culvera – Provincial Legal Officer sa ngalan ni Gov. Egay Tallado at PLt.Col Bernet Nabonat sa ngalan ni CNPPO Prov. Director PCOl Marlon C. Tejada.

Kasama ding dumalo ang ilang opisyal ng Lokal na Pmahalaan kabilang na sina Councilor Ma. Eliza H. Llovit, Councilor Tom Turingan, Councilor Ronie Valencia, Councilor Poloy Panong, Councilor  Felix Abaño atCouncilor Nestor Dalida.

Nabatid na sa naturang pasilidad ay sasailalim ang mga drug reformists sa 30-day reformation program kung saan pagkatapos nito ay tutulungan sila ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makahanap ng trabaho o pagkakakitaan at maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan sa lipunan.

Siniguro naman ni Mayor Ochoa na makakaasa ang buong bayan ng Daet na patuloy ang mga prorama at proyekto ng Pamahalaang Lokal partikular na sa pagsugpo sa problema ng illegal na droga para sa mas maayos, tahimik at maunlad na bayan sa mga susunod na panahon.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Jometh Umali and Christian Frivaldo