Setyembre 11, 2019, Daet, Camarines Norte – Tuloy ang putol maliit man o malaki ang bayarin ng konsumidores kapag hindi ito nabayaran bago ang itinakdang disconnection date. 

Ito ang naging pahayag ni CANORECO Board President Edwin Lamadrid sa kanyang naging pagharap sa Sangguniang Bayan ng Daet sa ginanap na regular na sesyon nitong nakatalikod na lunes, Setyembre 9, 2019 matapos hilingin ni Konsehal            na pagbigyan ang mga konsumidores na ipagpaliban ang pagbayad o isabay nalang ito sa sunod na billing period lalo na kung hindi naman ito kalakihan.

Ayon kay Lamadrid, kailangan nilang sumunod sa polisiyang ito dahil non-stock, non-profit cooperative ang CANORECO kung saan ang nakokolektang bayad mula sa mga consumers ang kanila rin ipinambabayad sa power supplier at iba pang bayarin.

Aniya, posible rin malagay sa alanganin ang pananalapi ng kooperatiba kung susundin ang nasambit na kahilingan.

Dagdag pa nito, bagaman may bill deposit ang mga konsumidores na nasa CANORECO, hindi umano ito pwedeng galawin dahil hiwalay na accountito at para sa member consumer lang.

Sa kabila nito, hindi naman umano isinasantabi ng kooperatiba ang nasambit na suhestiyon at kanila itong pag aaralan.

 

Camarines Norte News