Setyembre 11, 2019, Labo, Camarines Norte – Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang 15 anyos na dalagita na nagsuicide matapos umanong mabully sa paaralan.

Base sa tala ng Labo Municipal Police Station, umaga kahapon, Setyembre 10, 2019 nang matagpuan ng isang lola sa isang barangay sa Labo, Camarines Norte ang katawan ng kaniyang apo na nakabikti at wala ng buhay sa loob ng kaniyang kwarto.

Agad na isinugod sa ospital ang dalagita subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Labo PNP, napag alaman na nakaranas umano ng pambubully sa paaralan ang dalagita na posibleng nagtulak dito upang kitilin ang sariling buhay.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang kapulisan at sumailalim na rin sa post mortem examination ang bangkay ng dalagita.

 

Camarines Norte News

*Note: Sinadyang itago ang pagkakakilanlan ng menor de edad na sangkot sa insidente at ng mga taong konektado dito.