Setyembre 13, 2019, Jose Panganiban, Camarines Norte – Bukas na para sa mga papasok na drug reformist ang inilunsad na Balay Silangan sa bayan ng Jose Panganiban.

Nitong nakatalikod na Setyembre 9, 2019, matagumpay na isinagawa ang launching and inauguration ng nasambit na pasilidad na dinaluhan ng mga opisyal at representatives ng mga partner agencies at stakeholders tulad ng PNP, DILG, Jose Panganiban LGU, Provincial Government, religious sector at civil-society organization.

Nagsimula ang programa sa ribbon cutting at blessing ng pasilidad sa pamamagitan ni Pastor Noriel Alferes at pagkatapos ay nagbigay naman ng welcome remarks ang hepe ng Jose Panganiban PNP sa ngalan ni PMaj Charles N De Leon.

Nagbigay din ng inspirational message ang Punong Bayan na si Hon. Ariel M Non at si PCol. Marlon C Tejada, Provincial Director ng CNPPO.

Sa pamamagitan naman ng kaniyang mensahe ay nagpaabot ng pasasalamat si Director Christian O Frivaldo, CESE, Regional Director PDEA/Chairman ng Oversight Committee para sa mainit na suportang ibinibigay ng CNPPO sa kanilang isinasagawang holistic approach sa kampanya kontra droga ng pamahalaan kung saan nga nakapaloob ang reformation para sa mga drug surenderee.

Sa huli ay lumagda ang mga nasambit na personalidad kasama ang iba pang mga concerned citizens sa manifesto of commitment para sa naturang programa.

Nabatid na sa pamamagitan ng programa ay magkakaroon ng ‘fresh start’ ang mga drug suspects dahil nakapaloob dito ang general interventions kagaya ng education at health awareness, psychological/spiritual/physical activities katulad ng counseling, moral recovery at values formation. Tutulungan din sila na magkaroon ng bagong pagkakakitaan sa pamamagitan ng mga trainings at livelihood programs.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of PDEA ROV Facebook Page