Setyembre 13, 2019, Daet, Camarines Norte – Nasabat ang anim (6) na sachet ng hinihinalang shabu sa isang binata sa Purok Guyabano, Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang drug suspect na si Mark Angelo Samante y Habalo, 29 anyos, binata, residente ng nasambit na lugar.

Base sa tala ng Daet PNP, ikinasa ang buybust dakong 11:00 ng umaga kahapon, Setyembre 12, 2019 ng mga personel ng Daet MPS, RID, CNPIB, 1st CNPMFC at PDEA ROV sa nasambit na lugar kung saan positibong nakuha mula sa supek ang isang sachet ng hinihinalang shabu matapos ang transaksiyon nito sa poseur buyer.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha din dito ang lima pang sachet ng hinihinalang shabu gayundin ang limandaang pisong (Php 500.00) ginamit bilang buy bust money.

Nagresulta ang buy bust sa pagkakadakip sa suspek na nasa kustodiya na ng kapulisan habang inihahanda ang kasong isasampa para sa paglabag sa RA 9165.

 

Camarines Norte News