Setyembre 19, 2019, Labo, Camarines Norte – Patuloy ang pakikipag uganayan ni Congresswoman Josie Baning-Tallado sa mga kinauukulan upang maisakatuparan ang planong mas mapaunlad pa ang pagsasaka sa unang distrito ng lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng mga proyektong patubig at irigasyon na kaniyang isinusulong.

Kamakailan lamang ay nakipagulong ito kay NIA Administrator Ricardo R. Visaya at kay NIA Regional Director Freddie M. Toquero kasama ng kanyang mga opisyales upang hilingin na mapaglaan ng kaukulang budget at pagtuunang pansin ang mga paunang proyekto na sinusulong para sa kanyang Distrito.

Layunin ng nasambit na pagkilos na maiangat ang buhay ng mga kababayan lalu nan g mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapaulan ng pagsasaka at iba pang industriya na umaasa sa maganda at episyenteng sistema ng irigasyon at patubig.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

1.Calabasa Communal Irrigation Project sa Labo;
2. Tamisan Communal Irrigation Project sa Jose Panganiban;
3. Tigbinan Communal Irrigation Project sa Labo;
4. San Antonio Communal Irrigation Project sa Capalonga;
5. San Vicente-Basiad Communal Irrigation Project sa Sta. Elena;
6. Minasag Communal Irrigation Project sa Sta. Elena;
7. Matogdon Extension Communal Irrigation Project sa Labo;
8. Awitan Extension Communal Irrigation Project sa Labo;
9. Malacbang-Dalnac Communal Irrigation Project sa Paracale;
10. Guyaman Communal Irrigation Project sa Paracale;
11. Cabuluan II Communal Irrigation Project sa Capalonga;
12. Cabibiroc Communal Irrigation Project sa Capalonga;
13. Camagsaang Munti Communal Irrigation Project sa Capalonga;
14. Tuwid-tuwid Communal Irrigation Project sa Capalonga

Nangako naman ang Congresswoman na tuloy tuloy lang ang kaniyang pagkilos para sa ikauunlad ng kaniyang nasasakupan maging ng buong lalawigan.

 

Camarines Norte News

Details and phtos courtesy of Roden Rosario