Setyembre 20, 2019, Daet, Camarines Norte – Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga botante na magparehistro na para sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections

Mayroon na lamang sampung (10) araw na nalalabi bago matapos ang voter registration para sa mga nais makilahok sa susunod na eleksyon.

Matatandaang nagtakda muli ang Comelec ng panibagong registration period na nagsimula Agosto 1 ng taong kasalukuyan at magtatapos sa ika -30 ngayong Setyembre.

Base sa COMELEC Resolution No. 10549, ang mga kabataang 15 anyos pataas na naninirahan ng hindi bababa sa anim (6) na buwan sa nakakasakop na barangay ay maaaring nang magparehistro.

Maaari ring magtungo sa Comelec ang mga sumusunod:

  • Regular na botante ng barangay
  • May kailangang palitan sa kanilang personal data
  • Mga na-deactivate o hindi nakaboto sa dalawang nakaraang halalan

Bukas ang Comelec offices sa buong bansa mula Lunes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

Camarines Norte News