Setyembre 26, 2019, Basud, Camarines Norte – Dead on arrival sa pagamutan ang isang motorcycle driver at backrider sa naganap na banggaan ng 2 motorsiklo sa Purok-3, Brgy. Mandazo, Basud, Camarines Norte kamakalawa, Setyembre 24, 2019.

Sangkot sa nasambit na insidente ang isang itim na Honda Motorcycle na minamaneho ni Arnold De Los Reyes Y Soria, 45 anyos, residente ng Sitio Del Carmen, Barangay Angasbayan ng Basud at backrider na si Kenneth Napone Y Vecida, 18 anyos, construction worker, residente ng Purok 1, Barangay Lidong ng parehong bayan.

Sangkot din dito ang isang pulang Honda Wave motorcycle na minamaneho ni Mario Delos Santos Y Conde, 23 anyos at  backrider na si Darwin Barocha Y Guerero, 43 anyos, kapwa residente ng Purok 3, Barangay Lidong, Basud, Camarines Norte.

Base sa tala ng Basud PNP, tinatahak nina Reyes at Napone ang kalsada mula sa Brgy. Angas patungo sa Brgy. Mandazo nang pagdating sa lugar ng insidente, nag overtake ito sa nasa unahang sasakyan at sa pagbalik nito sa orihinal na lane ay bumangga ito sa kasalubong na motorsiklong minamaneho ni  Delos Santos.

Agad na dinala ng mga rumispondeng personel ng MDRRMO Basud ang mga drver at backrider sa Panlalawigang Pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang driver na si Delos Santos at backrider ng kabanggaang motosiklo na si Barocha.

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Basud PNP ukol sa insidente.

 

Camarines Norte News