Setyembre 27, 201, Talisay, Camarines Norte – Sugatan ang driver ng isang motorsiklo gayundin ang backrider nito matapos masangkot sa isang aksidenteng naganap dakong 11:20 kagabi, Setyembre 26, 2019 sa bahagi ng  Maharlika Highway na sakop ng  Purok 2, Barangay Sto Niño, bayan ng Talisay.

Base sa tala ng Talisay PNP, binabagtas ng isang Blue Yamaha Sniper 150 MXI motorcycle na minamaneho ni Wilbert Ayodoc y Tuibeo, 23 anyos, residente ng  Purok 3, Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte ang kalsada mula sa bayan ng Labo patungo sa bayan ng Talisay ng pagsapit sa lugar ng insidente ay banggain umano ito mula sa likuran ng isang Red Mitsubishi Sedan na minamaneho ni Arnel Cu Y Dygico, 60 anyos, residente ng Barangay Magang sa bayan ng Daet na tinatahak ang kaparehong direksiyon.

Bunsod nito, nawalan umano ng control sa manibela ang driver ng motorsiklo dahilan para tumilapon ito sa kalsada.

Nagtamo ng mga injuries sa ibat ibang bahagi ng katawan ang driver ng motosiklo gayundin ang backrider ng motosiklo.

Agad na dinala ng mga rumispondeng personel ng MDRRMO ang ito sa Panlalawigang Pagamutan para sa kaukulang atensiyong medikal.

Nasa kustodiya na ng Talisay PNP ang mga sasakyang sangkot sa insidente para sa kaukulang disposisyon habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon sa insidente.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Christian Villagen