Setyembre 28, 2019, Paracale, Camarines NorteArestado ang isang 39 anyos na lalaki matapos magpositibo ang ikinasang buy bust operation ng otoridad sa Purok 7A, Barangay Bagumbayan, bayan ng Parcale dakong 2:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang drug suspect na si Norlito Paquita y Mira aka “Leo”, 39 anyos, residente ng nasambit na lugar.

Base sa tala ng Paracale PNP, nagresulta sa pagkakadakip sa suspek ang buy bust na ikinasa ng mga personel ng Paracale MPS, PIB-CNPPO kasama ang RID5/RSOG matapos magpositibo ang transaksiyon nito sa police poseur buyer kung saan nakuha ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php500.00 na buy bust money.

Narekober din mula sa suspek ang tatlo (3) pang sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may tinatayang Php2,000.00 market value.

Nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Camarines Norte News