Setyembre 30, 2019, Daet, Camarines Norte  – Bumagsak sa kamay ng otoridad ang isang pedicab driver na may kinakaharap na kasong Rape in Relation to RA 7610.

Kinilala ang suspek na si Manuel Sandagon y Dumin, aka “AWIE”, 62 anyos, residente ng Purok 2, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, dakong 5:45 ng hapon kamakalawa, Setyembre 28, 2019 ng madakip ng mga personel ng Daet MPS at 1st and 2nd CNPMFC si Sandagon sa bias ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte nito pang nakatalikod na Nobyemnre 27, 2014.

May inirerekomenda ang korte na Php 200,000.00 na halaga ng piyansa para sa nasambit na kaso.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News

 

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat di napapatunayang may sala ng korte.