Setyembre 30, 2019, Labo, Camarines Norte – Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang binata sa Purok 3, Brgy. Bayabas, Labo, Camarines Norte.

Base sa tala ng Labo PNP, dakong 12:00 ng hapon kamakalawa, Setyembre 28, 2019 ng matagpuan ng isang kamag anak ang katawan ni Alexander Ladea y Altobar, 27 anyos, na nakabikti sa loob ng tahanan nito sa nasambit na lugar gamit ang isang kumot.

Sinubukan pa umanong isalba ng mga rumispondeng kamag anak si Ladea subalit bigo ang mga ito.

Napag alamang nakararanas ng depresyon ang binata mula ng iwan umano ito ng live in partner anim na taon na ang nakalilipas.

 

Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Labo PNP ukol sa insidente.

 

Camarines Norte News