Oktubre 1, 2019, Daet, Camarines Norte – Muling nagpaalala sa mga kawani ng gobyerno ang Civil Service Commission Provincial Office sa pangunguna ni Director Rosalinni V. Moneda na isapuso ang mandato bilang mga civil servants.

Sa closing program na isinagawa para sa ika-119th na Anibersaryo ng Philippine Civil Service, hinikayat ni Moneda ang mga kawani ng gobyerno na gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin na inaasahan ng publiko at huwag sayangin ang tiwalang ibinigay sa kanila at sa gobyerno.

Binigyang diin din nito ang pag iwas sa katiwalian upang hindi masayang ang pagkakataon na makapasok at makapagserbisyo sa bayan.

Dapat din aniyang ituring na isang oportunidad ang makapagserbisyo at makatulong sa kapwa Pilipino at hindi lamang para maka-tanggap ng ng buwanang sweldo mula sa ahensiyang kanilang kinabibilangan.

Binigyang pagkilala din sa nasambit na programa ang ang inisyatibo ng Provincial Human Resource Management Office sa pamumuno ni Ms. Magdalena Toledana ang mga empleyadong nagtratrabaho sa loob ng 25 taon, mga Retirees (Mandatory at Optional) mga Model Employee at Special Awards.

Kasabay ding sisinagawa nag awarding ng mga nanalo sa isinagawang Inter-Agency Sports Competition na pinangunahan naman ni Mr. Gino Villagfranca, OIC ng Provincial Sports Office (PSO).

Ang nasabing anibersaryo ay base sa temang “Civil Service at 119: Upholding Integrity and Building a High-Trust Society.”

 

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of Roden Rosario