Oktubre 2, 2019, Daet, Camarines Norte – 5.7 milyon pisong halaga ng tulong pinansiyal ang inilaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga student trainees/shcolars nito sa unang distrito ng Camarines Norte.

Magugunitang kamakailan ay humihiling si Cong. Josie Baning Tallado ng halagang limang milyong piso (Php5,0000,000)  upang maging ayuda sa mga mahihirap na mga estudyante na suamsailalim at nais sumailalim sa 2019 Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA.

Positibo naman itong tinugunan ng nasambit na ahensiya sa pamamagitan ng liham mula kay Director Isidro S. Lapeña na nagsasabing hindi lamang 5million kundi 5.7million ang ibibigay na alokasyon para sa request ng kongresista.

Ikinatuwa naman ito ng mga TESDA Scholars sapagkat sa pamamagitan ng nasambit na pondo ay  mas maraming mga out of school youth at iba pang estudyante na nagnanais mag-aral ang mabibigyan ng pagkakataon na makapagtapos ng Vocational Course nang walang gastos at maging susi upang makakuha ng trabaho sa lokal o sa ibayong dagat.

Samantala, bukas naman ang tahanan ng Kongresista sa barangay Anahaw, Labo at handa ang kanyang mga staff na tumanggap ng mga mag-aaply upang magiging benipisyaryo ng nasabing TESDA financial assistance.

 

Camarines Norte News

Details and photo courtesy of Roden Rosario