Oktubre 2, 2019, Basud, Camarines NorteBumagsak sa kamay ng otoridad ang isang binata na may kinakaharap na patung patong na kasong may kaugnayan sa child abuse.

Kinilala ang suspek na si Erwin Vargas y Cortez alyas “Tirog”, 25 anyos, binata, magsasaka at residente ng Purok 3 Brgy. Angas sa bayan ng Basud.

Nadakip ng kapulisan si Vargas kahapon ng umaga sa Purok 1 Brgy. San Felipe ng naturang bayan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Erwin Virgilio Ferrer ng Regional Trial Court Branch 20 sa Naga City na may petsang Agosto 22, 2019.

Nahaharap ang suspek sa 4 counts na paglabag sa Section 10 (a), Article VI ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nabatid na ika-7 si Vargas sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Basud PNP.

Nasa kustodiya nan g nasambit na himilan si Vargas para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, may inirerekomendang Php320,000 na piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek sa nasambit na kaso.

 

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi nahahatulang may sala ng korte.