Oktubre 3, 2019, Paracale, Camarines Norte –Kulungan ang bagsak ng isang 39 anyos na lalaki sa bayan ng Paracale matapos umanong magwala at makunan ng hinihinalang illegal na droga.

Kinilala ang suspek na si Ariel Vibar y Persia, 39 ayos, residente ng Purok Maganda, Brgy Palanas, Paracale, Camarines Norte.

Batay sa tala ng Paracale Municipal Police Station, dakong 10:15 kagabi, Oktubre 2, 2019 nang madakip ang suspek sa nasambit na lugar para sa reklamong alarm and scandal at resistance and disobedience to a person in authority.

Samantala, nang dalhin na ang suspek sa nasambit na himpilan ng pulis at kapkapan ito, nakuha mula dito ang isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya  na ng Paracale PNP ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa para sa paglabag sa RA 9165.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Aris Alexopoulus