Oktubre 4, 2019, Mercedes, Camarines Norte – Kasabay ng puspusang drug clearing operation ng Mercedes PNP katuwang ang mga Barangay Official ay ilulunsad na din ang Balay Silangan sa bayan ng Mercedes.

Sa panayam ng Cool Radio News FM kay PMaj Joselito Bermas, sinabi nito na limang barangay na ang idineklarang drug cleared sa nasambit na bayan habang lima din ang pinuproseso na Regional Office.

Base sa kanilang tala, dalawa pa ang drug affected kaya may natitira pa aniyang labing apat na kailangang iclear kung saan may presence ng pusher kaya kanila na ring isinusulong ang pagkakaroon ng balay silangan.

Ayon pa sa opisyal, base sa kaniyang ocular inspection sa gagawing Bably Silangan na matatagpuan sa taas ng public market, konting ayos at pintura na lang ang kailangan at pwede na itong ilunsad. Malawak aniya ito at pwedeng umabot sa sampu ang bed capacity.

Base sa kaniyang pakikipag ugnayan sa local chief executive ay posibleng mailunsad na ito sa darating na lingo.

Magugunitang ilang bayan na sa lalawigan ng Camarines Norte ang una nang naglunsad ng Balay Silangan kabilan na ang bayan ng San Vicente, Daet at Jose Panganiban.

Ang Balay Silangan ay isang pasilidad kung saan sasailalim ang mga drug reformists sa mga  reformation programs sa tulong ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang tuluyang makapagbago ang mga ito at maging kapaki pakinabang na miyembro ng komunidad.

 

Camarines Norte News