Oktubre 7, 2019, Daet, Camarines Norte – Agad dinala sa Panlalawigang Pagamutan ang isang lalaki sa Purok 4, Barangay Bagasbas, bayan ng Daet matapos itong pasukin sa sarili nitong kwarto at saksakin ng dalawang lalaking nakaalitan nito.

Kinilala ang biktimang si Michael Aquino  Ragiles, 37 anyos, may asawa at residente ng nasambit na lugar.

Base sa tala ng Daet Municipal Police Station, dakong 11:30 ng gabi nitong nakatalikod na Sabado ng pasukin sa mismong bahay at kwarto nito ang biktima ng mga suspek na sina Jhonmier Lagones Cerdeno, 24 anyos, at  Principe Villares Ablao kapwa residente ng Purok 5 ng parehong barangay.

Nabatid na habang nakahiga ang biktima sa kaniyang kama ay nilapitan ito ng dalawang suspek at walang kaabog abog na pinukpok ito sa ilo at sinaksak sa kanang bahagi ng tiyan gamit ang isang  improvised bladed weapon.

Napag alamang bago ang pananaksak ay nakainuman pa ng biktima ang mga suspek sa selebrasyon ng birthday ng anak nito kung saan nagkaroon umano ang mga ito ng pagtatalo.

Naaresto ng mga rumespondeng personel ng Daet MPS si Cerdeno habang nakatakas naman si Ablao.

Nasa kustodiya nan g nasambit na himpilan si Cerdeno para sa kaukulang disposisyon habang patuloy naman ang isinasagawang operasyon upang matukoy ang kinaroonan ng isa pang tumakas na suspek.

 

Camarines Norte News