Oktubre 8, 2019, Daet, Camarines Norte – Muling magsasagawa ng Job Fair ang Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) sa darating na Biyernes, ika – 11 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Inaanyayahan ang lahat ng job seekers na magtungo sa nasambit na araw sa Covered Court ng Daet Municipal Compound mula 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Handog dito ang ibat ibang trabaho na pwedeng applyan ng mga skilled workers maging ng mga fresh graduates at undergraduates mula sa mga lokal na kumpanya.

Pinapayuhan naman ang mga mag aapply na magdala ng resume at iba pang kaugnay na dokumento bag humarap sa mga employers o kumpanya na kanilang pag aapplyan.

Katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa naturang Job Fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) Camarines Norte Field Office at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Caravan.

Magugunitang isa sa mga prayoridad ni Mayor Benito “B2K” Ochoa na mabigyan o mahanapan ng trabaho ang mga kababayan nito bilang pagtupad sa kanyang layuning “Bayan Tungo sa Kaunlaran” kaya naman patuloy ang pagpupursigi nito katuwang si PESO Manager Romel Carascal na makahanap ng mga job opportunities para sa mga kababayan.

 

Camarines Norte News