Oktubre 10, 2019, Daet, Camarines Norte – Wala ng buhay ng matagpuan sa Daet river sa may bahagi ng Purok 8, Brgy VIII ang isang lalaki dakong 3:00 ng hapon kahapon, Oktubre 9, 2019.

Kinilala ang biktima na si Terencio Nario y Flores, 76 anyos, Purok 2, Brgy Cobangbang ng parehong bayan.

Base sa tala ng Daet PNP, dakong 3:30 ng makarating sa kanila ang report mula sa ilang concerned citizen na nakakita sa bangkay sa nasambit na lugar.

Agad namang sumaklolo ang otoridad upang kunin ang katawan ni Nario na natuklasang wala ng buhay at halos nasa state of decomposition na.

Napag alamang nitong nakatalikod na araw ng Linggo pa nawawala ang naturang biktima at hindi pa matukoy kung paano ito napunta sa naturang ilog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Daet PNP ukol sa insidente.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Nardz Hernandez