Oktubre 10, 2019, Basud, Camarines Norte – Timbog sa ikinasang buy bust operation ng otoridad ang isang dating drug surenderee sa Purok 1, Brgy. Bactas, Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang drug suspect na si Carlo Pundan y Bacia, 31 anyos, residente ng Purok Luan, Brgy Poblacion 2 ng parehong bayan.

Base sa tala ng Basud PNP, dakong 8:12 ng umaga ngayong araw ng isagawa ng mga personel ng Basud MPS, 1st CNPMFC at CNPPO-PIB ang buy bust laban sa nasambit na suspek.

Ayon sa pulisya, hindi nito namalayan na police poseur buyer ang katransaksiyon.

Positibong nakuha mula kay Pundan ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu at Php 500.00 na buy bust money.

Nagresulta ang nasambit na operasyon sa pagkakadakip ng suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Basud Municipal Police Station.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Aris Alexopoulos