Oktubre 11, 2019, Daet, Camarines Norte – Arestado ang isang tricycle driver na kabilang sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons ng Daet PNP.

Kinilala ang nadakip na si Gary Sabanal y Lorica, 43 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng Purok 5, Barangay San Isidro ng nasambit na bayan.

Base tala ng Daet PNP, dakong 8:15 ng umaga ng arestuhin si Sabanal sa Purok 5, Barangay Borabod ng parehong bayan ng mga personel ng Daet MPS at  1st CNPMFC.

Bitbit ng mga nasambit na otosidad at warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder na ibinaba ni Hon. Judge Arniel A. Dating ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte at warrant of arrest para sa isa pang kasong Direct Assault Upon an Agent of a Person in Authority na ibinaba naman ni Hon Judge Rene Morallo Dela Cruz ng MTC Branch 2, Daet, Camarines Norte.

Nabatid na ika-10 si Sabanal sa listahan ng Municipal Most wanted Persons ng Daet PNP para sa buwan ng Mayo, taong 2019.

May inirerekomendang piyansa ang korte na nagkakahalagang Php 200,000.00 para sa kasong Frustrated Murder at Php 18,000.00 naman para sa kasong Direct Assault Upon an Agent of a Person in Authority.

Nasa kustodiya na ng Daet PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi nahahatulang may sala ng korte.