Oktubre 11, 2019, Daet, Camarines Norte – Kasabay ng isinasagawang Job Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) nito ay ginaganap din ngayong araw ang Caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa covered court sa harap ng Daet Municipal Building.

Ang nasambit na Caravan ay tinagurian ding “Pinagsama-samang Serbisyo Para sa Tao” kung saan bitbit nito ang ibat ibang serbisyo ng gobyerno tulad ng medical, dental, legal, social at iba pa.

Katuwang dito ang Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito “B2K” Ochoa at iba pang mga ahensiya ng pamhalaan tulad ng DTI, DSWD, PIA, PAO, TESDA, PSA/LCR, DOH/PHO, LTO, PNP,DILG, AFP-PA kasama na rin ang Liga ng mga Barangay, FETODA at ga NGO’s.

Inaasahang aabot sa 2,000 residente ng naturang bayan ang mabibigyang serbisyo ng nasambit na Caravan.

Samantala, daan daang trabaho naman ang handog ng PESO sa Job Fair katuwang ang ilang lokal na kumpanya.

Nagsimula ang naturang programa ng 8:00 ngayong araw at inaasahang magtatapos ngayong 4:00 ng hapon.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of Ricky Pera and PCUP FB Page