Oktubre 18, 2019, Daet, Camarines Norte – Sa pangalawang pagkakataon ay muling nasungkit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Gov. Egay Tallado ang  2019 Seal of Good Local Governance Award (SGLG) o Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng mga Lokal na Pamahalaan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Nitong nakalipas na taong 2018 ng unang kinilala ang lalawigan bilang natatanging probinsiya sa Bicol Region na tumanggap ng pinakamataas na parangal ng DILG para sa mga Lokal na Pamhalaan.

Base sa resultang ibinaba ng DILG para sa 2019 SGLG Awardees, 14 na LGU mula sa rehiyong Bicol ang tatanggap ng parangal.

Ang lalawigan ng Camarines Norte ang nag iisang awardee para sa Provincial Government Category habang 4 naman ang awardees para sa City Government na kinabibilangan ng Legazpi, Ligao, Iriga at Masbate City.

Pito namang munisipalidad ang kinilalang awardees. Ito ay ang Polangui, Magarao, Tigaon, Virac, Bulusan, Irosin, Juban, Pilar at Paracale.

Magugunitang kamakailan ay nagtungo sa lalawigan ang validation team ng DILG upang suriin kung pasado ang PGCN sa pitong core areas na kwalipikasyon upang magwagi ng nasabing mataas na pagkilala. Ito ay ang Financial Administration; Disaster Preparedness; Social Protection; Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Protection; at Tourism Culture and the Arts.

Dahil dito ay muling tatanggap ng Performance Challenge Fund (PCF) bilang cash incentive ang PGCN na gagamitin para sa pagpapaunlad ng probinsiya.

 

Camarines Norte News

Photo courtesy of DILG ROV