Nobyembre 5, 2019, Daet, Camarines Norte – Pormal nang tinanggap ni Gov. Egay Tallado ang 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG)Award na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Isinagawa ngayong araw ang pagpaparangal sa Manila Hotel kung saan kasamg dumalo ng Gobernador si Congresswoman Josie Baning Tallado, Vice Gov. Jonah Pimentel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Magugunitang base sa resultang ibinaba ng DILG, ang lalawigan ng Camarines Norte ang nag iisang awardee ng SGLG para Provincial Government Category sa buong rehiyon ng Bicol.

Nabatid din na nitong nakalipas na taong 2018 ay nakuha din ng Pamahalaang Panlalawigan ang pinakamataas na parangal na ito mula sa DILG.

Samantala, kahit na dumadalo sa naturang seremonya ng pagpaparangal ay nagpaabot ng pasasalamat ang Gobernador sa kaniyang mga nasasakupan.

Ayon sa kaniyang facebook post,  “Sa lahat ng tumulong at patuloy na sumusuporta sa Lokal na Pamahalaan Panlalawigan ng Camarines Norte ang inyong lingkod ay taos pusong nagpapasalamat sa panibagong parangal sa limang taon ng Seal of Local Good Governance ng DILG at sa buong Bicol Region tayo ang nakatanggap ng parangal”.

 

Camarines Norte News

Photos taken from Gov Egay and Rep. Josie Tallado FB Page