Nobyembre 6, 2019, Daet, Camarines Norte – Nagkaroon ng pagtaas sa singil ng kuryente ngayong Oktubre 2019 billing na babayaran ngayong Nobyembre ayon sa CANORECO.

Base sa kanilang tala, nagkaroon ng pagtaas sa rate ng residential na 8 centavos per kwh dahil umabot ng Php 9.0805 per kwh ang bayarin sa buwan ng Setyembre kumpara sa Php 8.9944 per kwh ng sinundan na buwan ng Agosto.

Para naman sa commercial, ang taripa ay umabot ng Php 8.1269 per kwh para sa buwan ng Oktubre kumpara sa Php 8.0408 per kwh noong buwan ng Setyembre o tumaas din ng 8 centavos per kwh.

Ayon sa CANORECO, ang sanhi ng pagtaas ay ang mataas na Generation Charge dahil sa mataas na presyo ng biniling kuryente sa Aboitiz Power Renewables Inc. o APRI.

Naging dahilan naman umano ng mataas na presyo sa APRI ang mataas na Newcastle Coal Index para sa buwan ng Setyembre 2019.

Dagdag pa dito, nagkaroon din umano ng pagtaas ng singil sa Ancillary Charge ng National Grid Corporation of the Phil. O NGCP, na isa sa components ng NGCP billing kaya nagkaroon ng pagtaas sa transmission charge.

 

 

Camarines Norte News