Nobyembre 6, 2019, Daet, Camarines Norte – Tututukan ng bagong talagang Acting Chief of Police ng Daet PNP ang istriktong implementasyon ng mga batas trapiko sa nasambit na bayan.

Kahapon ay pormal ng nagcourtesy call ang nasambit na opisyal sa ngalan ni PLtCol Ferdinand Noel Villanueva kay Mayor Benito Ocoha ng LGU Daet.

Ilan sa mga napag usapan ng dalawang lingkod bayan ay ang istriktong implementasyon ng mga ordinansang may kaugnayan sa trapiko at pagpapaluwag ng kalsada partikular na sa kasentruhan ng bayan na siyang maituturing na pinakamalaking hamon sa panig ng kapulisan na siyang nagpapatupad ng batas.

Sa panayam ng Cool Radio News Fm sa naturang opisyal, sinabi nito na asahan na ng mga Daeteño partikular na ng mga motorista ang paghihigpit sa kalsada partikular na sa kasentruhan ng bayan.

Aniya, istriktong ipatutupad ang pagbabawal sa lahat ng uri ng sasakyan sa mga No Parking areas.

Siniguro din ng opisyal na wala ditong sasantuhin maliit man o malalaking sasakyan at asahan din ang pagbabantay ng kapulisan anumang oras maging ito man ay rush hour o hindi.

Ito ay bilang pagtugon na rin aniya sa kahilingan ni Mayor Ochoa na malinis na kalsada sa anumang obstruction dahil kung matatandaan ay hindi pumasa ang nasambit na bayan sa isinagawang assessment ng DILG kamakailan pagdating sa aspetong ng road clearing.

Kasama rin umano sa paiigtingin ang kampanya laban sa mga iresponsableng driver na angmamaneho ng walang lisensiya, walang helmet, hindi rehistrado ang sasakyan at iba pang paglabag.

Ayon sa opisyal, seryoso ang kapulisan sa kanilang operasyon at hindi ito ningas cogon lamang.

 

Camarines Norte News

Photo taken from Daet MPS FB Page