Nobyembre 6, 2019, Daet, Camarines Norte – Bukas na sa publiko ang bago at mas malaking Out Patient Department (OPD) ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Matatagpuan ang bagong OPD sa compound pa rin ng Panlalawigang Pagamutan.

Sa gusaling ito ay naroroon ang animal bite treatment center, general consultation, dental clinic,at iba pang serbisyo na ibinibigay ng ospital para sa mga out patients.

Ang naturang gusali ay bahagi ng Hospital Development Program na pinondohan ng Department of Health na target sanang maisakatuparan nitong nakatalikod na taong 2018.

Magugunitang taong 2017 nang simulang ipatayo ang OPD sa pamumuno ni dating Provincial Health Officer Dr. Arnulfo Salagoste.

Ang pagtatayo ng nasambit na gusali ay bilang tugon ng ospital sa pagdagsa ng mga out patient sa nasambit na ospital.

Layon din nitong makapagbigay ng mas maayos at kumportableng serbisyo sa mga nangangailangan ng atensiyong medikal.

 

Camarines Norte News

Photos courtesy of PHO