Nobyembre 7, 2019, Daet, Camarines Norte – Tumama ang magnitude 5.5 na lindol sa probinsiya ng Quezon na naramadaman din sa ilang bagahi Southern Luzon kasama na ang lalawigan ng camarines Norte.

Naramadaman ang pagyanig ng lindol alas 4:52 ng madaling araw kanina.

Ayon sa Phivolcs naitala ang epicenter ng lindol sa layong 36 kilometers ng Silangan ng Jomalig Quezon.

Ang nasambit na lindol ay 13 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic in origin.

Samantala, naitala ang Intensity IV sa Guinayangan, Quezon at  Jose Panganiban, Camarines Norte

Intensity II  naman sa San Juan City at Dolores, Quezon habang Intensity I naman sa  Guagua, Pampanga, Malabon City, San Ildefonso atMalolos, Bulacan Talisay, Batangas, Palayan, Nueva Ecija, Pasig City at Baler, Aurora.

Inaasahan naman ang mga aftershocks at wala pang naitatalang pinsala dulot ng pangyayari.

 

Camarines Norte News

Source: PHIVOLCS