Nobyembre 12, 2019, Labo, Camarines Norte – Siniguro ni Camarines Norte First District Congresswoman Josie Baning Tallado ang kaniyang suporta sa mga layunin ng bagong talagang District Engineer ng DPWH Camarines Norte District Engineering Office partikular na sa mga pagawaing pang impastraktura.

Nitong nakatalikod na araw ng biyernes, Nobyembre 8, 2019 ay nagcourtesy call si District Engineer Engr. Edwin A. Bermal sa naturang Kongresista sa opisina nito sa sa kanilang tahanan sa bayan ng Labo.

Ayon kay Engr. Bermal, tradisyon nang isinasagawa ito ng lahat lalo na siya ay bagong upo pa lamang na bagong District Engineer at upang malaman na rin ang mga priority projects ng kasalukuyang administrasyon.

Nagpasalamat naman si Cong.Tallado kay D.E Bermal sa ginawa nitong courtesy call.

Naniniwala umano ang opisyal na ito ay simula ng magandang ugnayan ng kanyang opisina at nang DPWH.

Pinagtibay naman ni Cong. Josie ang kanyang matibay na pagsuporta sa magandang layunin ni D.E Bermal na pagsasaayos ng mga gawaing imprastraktura nang nasa tama at may kalidad upang gawing mas kapakina-pakinabang ang mga proyekto.

Siniguro din nito na katuwang ng opisina ng DPWH ang kanyang opisina pagdating sa implementasyon ng mga infrastructure projects para sa kapakanan ng mamamayan.

Sa huli ay nangako naman ang bagong talagang D.E na itataguyod nito ang lahat ng tagubilin ng Kongresista ng Unang Distrito ng Camarines Norte.

 

Camarines Norte News

Details and photo courtesy of Roden Rosario