Nobyembre 12, 2019, Talisay, Camarines Norte – Sugatan ang magkapatid sa banggaang kinsangkutan ng kanilang sinasakyang motorsiklo at isa pang tricycle sa bahagi ng Barangay Gabon, Talisay, Camarines Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, napag alaman na dakong 10:00 ng gabi nitong Linggo, Nobyembre 10 nang maganap ang aksidente.

Tinatahak umano ng motorsiklong minamaneho ni Ailyn Terrellios Y Bola, 24 anyos at angkas nitong kapatid na si Jessica Quiones Y Bola kapwa residente ng Brgy. Caawigan, Talisay ang kahabaan ng Brgy. Gabon Road ng pagsapit sa madilim na bahagi ng lugar ng insidente ay nakabanggaan ang tricycle na minamaneho naman ni  Joel Hernandez Y Lacia, 36 anyos, residente ng Barangay Alawihao Daet.

Nagresulta ang aksidente sa pagtilapon ng magkapatid na lulan ng motorsiklo sa kalsada na angdulot dito ng mga injuries sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Agad namang dinala sa pagamutan ang dalawa at kasalukuyan ay nilalapatan ng atensiyong medikal.

Samanatala, patuloy ang imbestigasyon ng Talisay PNP sa insidente habang nasa kustodiya na din nito ang mga sasakyang nagtamo ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala.

 

Camarines Norte News