Nobyembre 12, 2019, Basud, Camarines Norte – Isinagawa sa bayan ng Basud ang Information Caravan o One Stop Shop ng Philippine Information Agency (PIA) katuwang ang Camarines Norte Communication Network (CNCN) kamakailan.

Ito ay ikalimang Information Caravan na isinagawa ng grupo kung saan naunang nabigyan ng serbisyo ang bayan ng Vinzons, Paracale, Capalonga at Mercedes.

Ayon sa pahayag ni Rommel Pajarin, presidente ng CNCN mula sa Commission on Election (COMELEC), ang lahat na ahensiya ng gobyerno ay tumutungo sa bawat bayan ng Camarines Norte upang makapagbigay ng serbisyo ganundin ang mga katanungan na nais malaman sa pamahalaan.

Aniya, makapagbigay ng mga nararapat na impormasyon na dapat malaman ng mga lokal na pamahalaan kung saan ang mga ahensiya ang magdadala sa mga barangay ng mga serbisyo handog ng Information Caravan.

Ipinahayag ni Information Center Manager Rosalita Manlangit ng Philippine Information Agency (PIA) ang mga layunin at gawain ng PIA katulad na ang pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng pamahalaan para mga mamamayan.

Sinabi naman ni Mayor Adrian S. Davoco na ang pagtungo ng mga ahensiya ng mga pamahalaan sa pamamagitan ng CNCN ay malaking tulong sa mga kooperatiba at barangay dahil matutugunan ang kanilang mga katanungan mula sa pamahalaan.

Inihayag rin ng mga hepe at Public Information Officers (PIOs) ng mga ahensiya ang kanilang mga programa, proyekto at serbisyo kabilang na ang Dept. of Science and Technology (DOST), Bureau of Internal Revenue (BIR), Dept. of Labor and Employment (DOLE), Cam. Norte Electric Cooperative (CANORECO), Social Security System (SSS), Dept. of Social Welfare and Devt. (DSWD), Dept. of Health (DOH), Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at Provl. Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng DENR.

Kasama pa rin ang Cooperative Development Authority (CDA), Phil. Army (PA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Cam. Norte Police Provl. Office (CNPPO), PrimeWater, Cam. Norte State College (CNSC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Dept. of Public Works and Highways (DPWH), Technical Education and Skills Devt. Authority (TESDA), Phil. Health Insurance Corp. (PhilHealth), Natl. Food Authority (NFA), Dept. of Information and Communication Technology (DICT) at Phil. Dental Association (PDA) Camarines Norte Chapter.

Ang naturang gawain ay sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Basud at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Provincial Information Office (PIO) at DWCN-FM Radyo Pilipinas.

Layunin ng naturang gawain ang ilahad ang mga programa at mga proyekto ng pamahalaan ganundin ay makapagbigay ng serbisyo ang mga tanggapan ng National Government Agencies (NGAs) at Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

 

Reyjun Villamonte

for Camarines Norte News