Nobyembre 12, 2019, Daet, Camarines Norte – Libreng hearing screening ang maagang pamasko ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng LGU Daet para sa mga may kapansanan o may problema sa pandinig.

Isasagawa ang free hearing screening simula sa araw ng Sabado, Nobyembre 16, 2019 hanggang sa araw ng Lunes, Nobyembre 18, 2019 sa Daet Municipal Covered Court simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Daet Municipal PDAO Officer Jobelle Mago, bukas para sa lahat ng Camnorteño ang nasambit na programa. Pwede umanong magpascreen ang anumang edad, maging ang mga senior citizens.

Aniya, base sa pakikipag ugnayan nila sa munisipalidad at iba pang karatig na munisipalidad, mayroon na silang inaasahang mahigit isanlibong (1,000) katao na mag-aavail ng libreng screening.

Apat (4) na espesyalista o doktor naman ang kanilang inihanda upang magsagawa ng screening sa mga ito.

Ayon kay Mago, unang isasagawa ang screening upang matukoy ang bilang at kung sinu sino talaga ang lubos na nangangailangang mabigyan ng hearing aid/hearing device na inaasahang darating sa kanilang opisina sa Enero ng taong 2020.

Ang nasambit na gawain ay naging possible dahil umano sa tulong ng mga sponsors gayundin sa pagsisikap at mainit na suporta ng butihing Mayor Benito Ochoa at Councilor Tomasito TuringanCommittee Chairman ng Senior Citizens and PWDs na agad umanong tumutugon sa kahilingan ng kanilang opisina basta’t para sa ikabubuti ng mga taong may kapansanan.

Sa huli ay nanawagan si PDAO Officer Mago na samantalahin ang pambihirang pagkakataong ito na makapagpa screen ng libre dahil kung sa mga pribadong espesyalita umano ay napakamahal na umaabot pa ng Php19,000.00 ang pagpapatest at pagbili ng hearing device.

Samantala susog naman ang nasambit na programa sa adhikain ni Mayor Ochoa na “Binibigyang 2gon Kakayahan ang taong may kapansanan” at “Tapat na Serbisyo sa Taong may kapansanan” ni Coun. Turingan.

 

Camarines Norte News