Nobyembre 15, 2019, Labo, Camarines Norte – Tuloy ang isinagawang “Barangayan 2019” sa Macogon, Labo kahapon sa kabila ng masamang panahong dulot ng bagyong Ramon.

Ibat ibang serbisyo ang inihatid ng Pamahalaang Nasyunal, Probinsyal at Lokal sa pangunguna ng Department of interior and Local Government (DILG) at sa suportang ipinagkaloob ng Provincial Goverment sa pamumuno ni Governor Egay Tallado.

 Sinabayan din ito ng Special Caravan  ni Congresswoman Josie Baning Tallado.

Nagbigay rin ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Labo sa pangunguna Mayor Joseph Ascutia kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

“Pagkakaisa ang susi sa katagumpayan ng barangay” ang tema at layunin ng nasabing aktibidad kung saan nakatuwang din ang ang iba pang ahensiya ng Pamahalaan tulad ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Health, Public Attorney’s Office, Department of Public Works and Highways at iba pa.

Saludo naman si PB Geofrey Castillo sa ganitong programa na nadala sa kanilang barangay dahil marami aniya sa kanyang mga kababayan ang nakatanggap ng libreng serbisyo hatid ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno kahit na malayo silang lugar ay hindi sila nakalimutang hatidan ng pagkalinga.

 

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of Roden Rosario