Nobyembre 15, 2019, Jose Panganiban, Camarines Norte – Inaresto ng kapulisan ang isang lalaking nagnakaw ng mga cellphone sa dalawang biktima na sina Zeal Jay Aman Verzo at John Mark Bandelaria, kapwa residente ng Purok 4, Brgy. Calero, bayan ng Jose Panganiban.

Base sa tala ng Jose Panganiban PNP, dakong 3:45 ng hapon nitong nakatalikod na Nobyembre 12 nang maganap ang pagnanakaw kung saan tinangay ng suspek ang mga cellphone ng dalawang biktima na nakalagay sa loob ng U-box ng kanilang motorsiklo.

Sa pamamagitan naman ng mga CCTV camera na naka install malapit sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay nakilala at natunton ang suspek na kinilalang si Rolando Rayel Ortiz, 31 anyos, residente ng Purok 7A, Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Sa isinagawang follow up operation ng Jose Panganiban PNP ay nadakip na ang suspek na nasa kutodiya na ng nasambit na himpilan para sa kaukulang disposisyon.

 

Philip John Denzel Rait

Camarines Norte News