Nobyembre 15, 2019, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte – Sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng San Lorenzo MPS, 1st Camarines Norte Police Mobile Foce Company, at CIDG Camarines Norte ay natunton at nahuli na ang isang ginang na nahaharap sa kasong Murder.

Kinilala ang suspek na si Lorelie Rocabo Ricafort, 41 anyos, residente ng Purok 6, Brgy. Dagotdotan ng nasabing bayan.

Base sa tala ng San Lorenzo MPS, naaresto kahapon ng kinauukulan ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng korte para sa kasong pagpatay sa kaptid nitong si Liezel Ricafort Orea.

Napag alaman na nitong nakatalikod na buwan Oktubre, taong kasalukuyan nang maganap ang krimen kung saan sa hindi matukoy na motibo ay pinasok ng suspek ang tahanan ng biktima habang nagsasaing ito at walang kaabog abog na pinagsasaksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Dahil sa dami ng natamong saksak ay agad na binawian ng buhay ang biktima.

Nasa kustodiya na ng San Lorenzo MPS ang nadakip na suspek para sa kaukulang disposisyon.

 

Philip John Denzel Rait

Camarines Norte News