Nobyembre 21, 2019, Labo, Camarines Norte – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang bata matapos itong aksidenteng mabangga ng isang truck sa Purok-2, Barangay Calabasa bayan ng Labo dakong 9:30 nitong nakatalikod na Lunes ng gabi, Nobyembre 18, 2019.

Kinilala ang bikitima na si Kenneth Forescal y Hesita, 2 taong gulag, residente ng nasambit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Labo PNP, minamaneho ng driver na si Roel Marquez y Era, 38 anyos, residente ng Purok-Malibago, Barangay Poblacion Norte, bayan ng Paracale ang isang Isuzu Forward truck na may plakang NOU 343 patungo sa bayan ng Paracale nang pagsapit sa lugar ng insidente ay tumigil ito at bumaba para sa isang personal na transaksiyon sa lugar.

Samantala, nang bumalik umano ito sa sasakyan at umusad na paalis sa lugar ay hindi nito napansin ang biktima na tumakbo patungo sa lola nito na nasa kabilang bahagi ng kalsada dahilan para mabanggaan ito.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang bata na agad isinugod ng nasambit na driver sa Labo District Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Samantala, nasa kustodiya na ng Labo PNP ang driver at sangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

 

Camarines Norte News